Q: Ano po ang mga requirements sa pagbili ng motorsiklo sa Motortrade?
A: Ang kailangan niyo lang dalhin sa inyong pagpunta sa Motortrade Branch na pinakamalapit sa inyo ay dalawang (2) Valid IDs, Certificate of Employment, at 1 Month Payslip.
Valid IDs:
SSS ID
Police Clearance
NBI Clearance
Postal ID
Passport
Driver’s License
Q: Pakatapos mag-apply ng loan, gaano po katagal bago mapuntahan ng bangko para sa Credit Investigation (C.I.)?
A: Depende po iyan sa availability ng Credit Investigator ng Bank of Makati (BMI)/Fundline at availability niyo o ng inyong representative para sa Credit Investigation (C.I.) na gaganapin sa inyong bahay.
Q: Pagkatapos ng Credit Investigation (C.I.), gaano katagal bago ako masabihan ng Bank of Makati (BMI)/Fundline kung pasado ba ako o hindi?
A: Tatawagan po kayo ng Motortrade Branch na pinuntahan niyo as soon as available na ang resulta ng Credit Investigation (C.I.).
Q: Kung pumasa ako sa Credit Investigation (C.I.), gaano katagal bago ko mailabas ang aking motorsiklo?
A: Matapos pumasa sa Credit Investigation, magpunta agad sa Motortrade Branch para mailabas agad ang motorsiklo sa araw din na iyon.
Q: Gaano katagal bago lumabas ang OR/CR ng motorsiklo?
A: Kadalasan ay tumatagal ito ng dalawa hanggang tatlong buwan. Ang paglabas po ng ORCR ay depende sa bilis ng pag-proseso nito ng LTO at walang control dito si Motortrade.
Q: Gaano po katagal bago matanggap ang plaka ng motor?
A: Kadalasan ay tumatagal ito ng dalawa hanggang tatlong buwan. Ang paglabas po ng ORCR ay depende sa bilis ng pag-proseso nito ng LTO at walang control dito si Motortrade.
Q: Gaano katagal bago lumabas ang ORCR ng motorsiklo?
A: Sa ngayon ay may transition sa pagproseso ng rehistro mula sa lumang sistema to online transaction. Bagamat online ang sistemang ito, ang lahat ng proseso mula umpisa hanggang sa dulo ay manual na ginagawa ng dealer at LTO kaya nagresulta ng pagbagal ang pagproseso ng rehistro. Ito ay hindi maaaring gawin ng per batch dahil ang bagong sistemang gamit ngayon ng LTO ay nakadisenyo ng pang-individual lamang. Kaya ang rehistro ngayon habang nasa transition na ito ay maaaring umabot ng mula 14 days hanggang 45 days.
Q: Gaano katagal bago matanggap ang plaka ng motor?
A: Ang parelease ng plaka ng motor ay nakadepende sa kung may available na plaka ang LTO. Noong March 13 ay naglabas ng memorandum ang LTO ng temporary suspension on the production of license plates. Kaya walang specific na bilang ng araw o buwan kung kailan makakatanggap ng plaka ang isang customer.